Wednesday, October 9, 2013

SHOUT-OUT TO ALL WRITERS, READERS AND PUBLISHERS

It's been awhile since we've posted here. Have you noticed our absence? I (the original creator of this blog) decided to stop posting reviews because of the receptions we had received from readers and WRITERS. Yes, even writers were ranting about our reviews towards their works. Like what I had said before, if you could not take criticism, this blog wasn't for you but she was hard-headed and thought she could take it. Bam! She could not. She ranted on her Facebook account as if the world was turning its back on her. Shame on you. Wala naman akong napapala sa kakareview so why continue? Since some of the writers (I won't name who but you would know who if you browse my reviews) was so high you could not reach them (They thought they were great already and could not make mistake and their work is perfect; perfect my ass) then so be it. I hope your career won't go down on a hill because of your arrogance.

Parang ito na ang huling salita ko as a reviewer, reader and blogger.

I have something to say to the publishers, writers and readers out there. There would be so many comparisons here and I WILL NAME NAMES so if you have a weak heart, DON'T READ THIS ONE.






1. To the Publisher:
First is to the publisher of PSICOM. I know marami ang tumangkilik sa mga bago niyong nobela. From Wattpad, it was published instantly. Binigyan niyo ng tsansa ang mga nangangarap sa Wattpad na maging published writer. Nakakalungkot lamang na tila PINATAY niyo ang literaturang Pilipino. Hindi ko maimagine bilang reader na darating ang panahon na makakabasa ako ng mga EMOTICONS sa libro. Para bang ganito ang kinalabasan:

"Wag mo akong titigan ng ganyan, Ibarra. Kinikilig ako!" (>////<) sabi ni Maria Clara na todo-blush pa with kilig effect. Yiheee!

Di nyo maimagine? Ako rin e. Ganyan ang lumalabas na libro sa PSICOM. May emoticons, mali-mali ang grammar at spelling. Aware naman ako na hindi maiiwasan ang wrong grammar at typographical error pero ung tila hindi man lamang inedit at inayos? Wag naman ganun.

Para bang sinasabi niyo (PSICOM) sa mga aspiring writers na okay lang ang ganyang klase ng paraan ng pagsulat ng nobela dahil yan ang USO. Papaano kung wala na sa uso yan? Sayang dahil hindi man lamang naagapan, hindi man lamang naayos, hindi man lamang sila natulungan na ganito ang tamang paraan ng pagsusulat (eg: bawal ang emoticons). Hindi niyo man lamang tinuturuan ang mga kabataan sa tamang paraan ng paggawa ng nobela. Hindi ko tinutukoy ang formula kagaya sa PHR na dapat happy ever after. Formula ng PHR yan, ang target nila ay mapasaya ang mga readers thru happy endings. Pwedeng ang PSICOM minsan realistic ang ending. Patayin ang bida, hindi magkatuluyan; accepted yan. Pero hindi ba pwedeng ayusin ang format? Walang emoticons, hindi parang script-style ang nobela dahil wala ng narrations at puro usapan na hindi mo na alam kung sino ang nagsasalita, at ung puro CAPSLOCK PARA LANG MAPAKITA NA SUMISIGAW AT GALIT ANG CHARACTERS NILA. Nakukuha nyo ba ang punto ko? I'm not after the story. Ang habol ko ay ang format dahil sa pagtingin ko ng mga nobelang inilabas ng PSICOM, parang napatay nila ang literaturang Pilipino.

Matatanggap ko pa ang cliche stories ng PHR dahil hindi masakit sa matang basahin dahil una, walang emoticons. Pangalawa, mabibilang mo sa kamay ang typographical errors o wrong grammar.

Wala naman sigurong masama kung tututukan nyo pang maigi sa editing ang mga ilalabas nyo pang nobela, hindi po ba?

Second, to the publisher of Precious Hearts Romances (PHR). Wala akong masabi dahil para sa akin sa mga kakilala kong readers ng PHR ay maganda naman ang mga inilalabas nyong nobela. Sana lamang ay pakinggan nyo ang hinaing ng mga readers nyo lalo na ung mga nagrereklamo na ang mga nababasa nilang gawa ay kopya lamang sa ganito, sa ganyan etc etc. Wag sanang maapektuhan ng hype ng Online Reading turned Published Work ang mga ilalabas na nobela ng PHR. Ayokong sa susunod ay makakabasa kami ng ganito sa isa niyong nobela:

"HOY LANCE NAVARRO! WAG KANG MAMBOLA KINIKILIG AKO!" (>///<) kinikilig na sigaw ni Billie Rose.

E, hindi po maganda ano po?

Sana din po ay i-guide nyo ng mas maayos ang mga editors nyo to avoid unfairness in every writers. Napansin ko lang kasi (at nasagap na chismis) na bawal ang hero na nananakit physically ng heroine. Bakit ang gawa ni MARIANE REIGN na Mr. Unexpected ay na-published gayong ang hero nya ay sinampal ang heroine? I heard also from a reliable source na bawal ang hero na may suicidal tendencies. Again, sa gawa ni Mariane Reign na My Heart's Perfect Match, nag-suicide ang hero. Hindi naman dinetalye pero SINABI pa rin sa kwento na nag-suicide sya. So PHR, sana kung bawal sa ibang writers, BAWAL SA LAHAT hindi ung may napapalagpas kayo. Unfair yan e. I'm not saying na dapat hayaan ang hero na nananakit physically or may suicidal tendencies. Ang sakin lang, konting higpit din sa LAHAT. :]


2. To the writers:
Eto alam ko magiging issue to. The copy-cat issues were all over the net. Ako bilang reader, bago ko husgahan ang isang nobela kung kopya ba ito, binabasa ko itong maigi at nilalamay. Talagang hinanap ko pa sa internet ang  pagkakaiba ng INSPIRED sa COPIED.

Kapag sinabing INSPIRED: nakabasa ka ng isang nobela o nakanood ka ng isang palabas at naisip mo, "Gusto kong gumawa ng ganyang nobela/movie." Kukuhanin mo ang laptop at magsisimulang magsulat ng nobela na ganoon ang premise. Na-inspire ka at in-adapt mo ang nakuha mo at mula doon ay makakagawa ka ng nobela na masasabi mong kahawig pero hindi katulad. Masasabi nating ganito: Na-inspire kang gumawa ng enemies turned lovers story dahil sa napanood mong movie na ganoon ang premise. Pero hindi mo kokopyahin pati mga scenes sa napanood mo dahil PANGONGOPYA na yan.

Kagaya ng ginawa ni EL JAMES, na-inspire sya sa Twilight. Gumawa siya ng fanfic (Fifty Shades of Grey) at in-adapt ang mga characters sa Twilight ni Stephenie Meyers. Pero hindi nya kinopya ang story. Okay dba? Kahit na-published ang gawa niya, walang kaso dahil SARILI NYANG KWENTO YON.

Punta tayo sa local writers.

Si SONIA FRANCESCA at SOFIA na may nobelang ala-Yamato Nadeshiko. Hindi kopya ang storya. In-adapt lamang nila ang ugali ng heroine sa anime/manga na Yamato Nadeshiko sa heroine ng nobela nila. Ang storya ng nobela nila ay GAWA nila at hindi kinuha sa manga/anime. So walang kaso, di po ba?

Let's talk about CASSANDRA, LUNA KING, JURIS ANGELA, ZOEY SUMMERS and ELLA RAYE VENICE'S work/s.

Animes, mangas, koreanovelas and jdoramas were overrated here in our country. Hype na nga yan e. Sikat na. May mga readers ang PHR na fanatic ng mga nabanggit ko at meron din naman na hindi. Fortunately, I'm a fanatic of those mentioned above.

CASSANDRA's Sebastian Molina and Ursula and the Pure-hearted Romanticist were totally copied from a manga (I don't know the other works since I haven't read it yet). LUNA KING's My Heart Plus My Dream Equals My Homeroom Teacher and Hotness Overload Trilogy Book 2: Wo Ai Ni, My Darling were copied from a manga as well (I don't know about the other works since I haven't read it yet) And Luna King, siguro naman po tama na ang paghahalo-halo ng mga scenes from mangas/animes/koreanovelas ano po? JURIS ANGELA's Car Wash Boys Book 1 was the same as the local movie starred by Gerald Anderson and Sarah Geronimo (Let's not talk about her Tanangco Boys). ZOEY SUMMERS' Love Contract was copied from a koreanovela. Same as ELLA RAYE VENICE's My Girl Sunday that was copied from a koreanovela.

Para sakin, ang fault nyan ay nasa WRITER mismo. Why copy from a certain manga/anime/koreanovela? Hindi ba pwedeng ma-inspire na lang? Ikaw na writer ang nagsend nyan sa PHR so they were expecting you to pass your own CREATION. Hindi lahat ng editors ay may alam sa anime/manga/koreanovela kaya hindi ko rin sila masisisi kung may nakakalagpas man. Ang sakin lang, sana tigilan na ng mga writers ang paggawa ng ganito.

THE ACTION NEEDED? Alisin ang mga nobelang napatunayang kopya sa mga manga/anime/koreanovela. Sayang sa sales? Kaysa naman  po masira ang pangalan ng PHR, di ba po? Sayang sa cost dahil printed na, still, mas importante pa rin ang pangalan ng PHR dahil ang cost, mababawi pero ang tiwala at loyalty ng mga readers, mahirap bawiin.

The WRITERS should stop doing this kind of thing. Nakakasuka. Nakakasuya. Nakakairita. Lahat ng NAKAKA nandyan na. I could tolerate cliche and boring stories as long as they're originally written by the writer herself. At least they were trying their best to come up on their own stories dba po? Hindi po ba kayo naaawa sa mga senior writers na naghirap itaguyod ang PHR? Sa mga aspiring writers na umiiyak dahil hindi mapasahan ng storya?

Bakit ba nyo ginagawa to? Sobrang mahal nyo ung pinagkopyahan nyo? Wala kayong maisip na story? Gusto nyong kumita instantly? O gusto nyo lang talagang sumikat at ginawa nyong tulay ang pinagkopyahan nyo?

Sa Publisher: Sana may magawa kayong action dito. Check if I'm telling the truth and if I'm not, then SORRY. Mali pala kami :P Pero kung tama KAMI, at hindi kayo gumawa ng aksyon, sorry sa inyo at sa writers nyo. Wala na silang credibility maging ang company nyo.

Gusto nyo po yon?



3. To the Readers:
Kayo naman! Kung alam nyo ng kopya ang gawa ng idols nyo, kausapin nyo naman. Hindi ung tinotolerate nyo pa. Sino ba magsisisi sa huli? Diba sila din po? If there was no one guiding them that this certain action such as copying was bad, then be that guide. Kung bruhilda ang writer at minasama ang kumento mo, aba, iwan mo! Walang utang na loob. Tinutulungan mo na nga. Hayaan mo syang lumipad hanggang sa bumagsak sya dahil di na kaya ng PHR ang pangongopya nya.

Ang writer na marunong tumanggap ng pagkakamali at puna ang writer na masarap suportahan.

Kaya mga fellow readers, wag itolerate ang mga nangongopya ano po? Kahit na di mo alam kung ano ang kinopyahan, do a little research and be the judge. Basta tandaan, iba ang KOPYA sa INSPIRED.

Isa pa, sana wag natin masyadong itolerate ang mga nobelang puro emoticons. Hehe.



Mahaba na ano po? Eto last na po. Sa totoo lang, ang gusto ko talagang batch ay nung 2010. Nung 2011, medyo wala na. 2010 pabalik, maayos sila. They were approachable. They wrote great, tear-jerking and feel-good stories lalo na nung batch (2009 yata) nila VICTORIA AMOR, DREAM GRACE and ANGEL BAUTISTA. Hindi mo mararamdaman na matataas ang mga writers kumpara sayo na reader LANG. Kasi napansin ko lang po, (I attended the Grand Fans Day and Cocktail Party at MIBF), ung ibang new writers (specially the new breeds from 2012 up to present) ay maeere. Ramdam mo ung taas nila na ang sarap tadyakan pabagsak para matauhan.

Sana sa 2014, makapagproduce ang PHR ng another set of 2009-2010 writers.

Mabuhay!

5 comments:

  1. Aww... sayang naman kung itigil niyo na ang reviews niyo.
    Writers need honest opinions from readers. Malaking tulong 'yon para mag-improve.

    ReplyDelete
  2. Sayang naman kung ititigil na ninyong ang pagre-review. May karapatan naman kayo. Actually, I know a writer who stopped writing for PHR because of this 'favoritism' and 'unfair manuscript evaluation'. And I think she did the right thing.

    ReplyDelete
  3. Hell knows I know what you're feeling right now. Sadly, publishing is publishing, and the more releases the merrier for them. This is opportunity for them so they take it. I don't know how far their endeavor will go, though, or what its effects will be if they continue releasing subpar novels. I fear that our young readers will settle for "unpolished books". We're teaching them how to read, yes, but don't they deserve at least something well-cooked? On PHR books, it hurts and frustrates me that I couldn't just cover my eyes and pick out a book by a new writer for fear that it would disappoint. Samantalang sa mga foreign published novels, kahit ano yatang piliin mong libro at least maayos ang pagkakasulat. Madali at maalwang basahin. Nagde-deliver talaga kahit paano. But every time I buy a PHR book, especially nowadays, a part of me nags: Why are you wasting your money on those? Pero may pagkakataon namang may maganda at maayos akong nobela ng bagong writer na natatagpuan. I feel hope again. So I'll continue my reviews until I see improvements. The reason why I review: To encourage new writers to improve. And I review their works, even if they don't like the result, because that's the only way I can express myself regarding the status of romance pocketbooks from Precious Hearts Romances. I understand your decision to stop (I actually envy you), but I do hope that you'll come back someday. Just take a rest. Who knows when your passion for reviewing comes back? Wish you well. :)

    http://orangemindreviews.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. I started reading PHR back in the 90s when I was still in high school and honestly, nakakalungkot lang kasi masyado ng "commercialized" (for the lack of term) ang novels nila ngayon. Some are really mababaw. Big difference between the writers before and now but there are also new writers that are very good. Yun nga lang, ang dami ring so-so lang and sobrang out of this world naman (hindi na realistic) and nakakagulat na napa-publish. I also notice typo and grammatical errors.

    I hope you'll continue reviewing kasi kaka-discover ko pa lang ng site mo. :)

    ReplyDelete
  5. PLEASE COME BACK. T-T

    ReplyDelete